Sunday, January 24, 2010

kay bilis ng panahon...



parang kailan lang ay toronto auto show (2004)
http://grphcs.com/autoshow2004

ito ang mga larawan namin noong auto show 2009
http://grphcs.com/autoshow2009/

february na naman
at toronto auto show na naman (2010)

Friday, January 22, 2010

tandang tanda ko pa...ang nakaraan...iginuhit ang aking larawan ni rol lampitoc



september 2004, bumisita si rol lampitoc sa bahay kasama ang anak na si rocille dahil inihahanda namin ang mga larawan na dapat ipadala sa isang kompanya na nagkagusto sa painting ni rol. habang abala ako sa computer ay iginuhit ni rol itong larawan na ito para sa akin.

maraming salamat rol at nagkaroon ako ng sining mula sa kamay ng dalubhasang pintor (rol lampitoc sr) http://www.lampitoc.com/

Thursday, January 21, 2010

tandang tanda ko pa...ang nakaraan...natutulog si inay



July 2004...tandang tanda ko pa...natutulog si inay...
palit-palitan kaming walong magkakapatid at si tatay na magbantay kay inay tuwing gabi para mayroon s'yang makasama sa ospital. paglabas ko galing sa trabaho ay dumiretso na ako agad sa ospital para s'yang namang makasama ni inay noong gabing iyon.

marami kaming napag-kwentuhan tungkol sa mga masasayang nakaraan sa aming buhay at pilit kong pinalalakas ang kanyang loob dahilan nga sa kanyang sakit na "breast cancer". damang-dama ko ang hirap at sakit na kanyang pinagdaraanan ng mga sandaling iyon. sinubuan ko si inay ng "wanton soup" na binili ko pa sa "spadina" bago ako tumuloy sa pagamutan. gustong gusto n'ya ito kaya't ibinilin n'ya na palagi akong magdala ng soup sa tuwing pupunta ako sa kanya.

may aircon at nakabukas noon ang bentilador ay pinapaypayan ko pa rin s'ya habang kumakain dahil napakainit daw ng kanyang pakiramdam. marahil ay dahil sa mga gamot na inilalagay sa kanyang katawan. makalipas ang maraming oras ng kwentuhan ay nakatulog na kaming pareho. dahil sa pagod ako at galing sa trabaho ay madali akong nakatulog.

kinabukasan ay maagang dumating si tatay sa ospital noon at pagkagising ko ay madali akong nagpaalam sa kanila dahil kailangan kong bumalik sa trabaho at isa sa mga kapatid ko naman ang darating na kahalili para makasama ni inay sa sumunod na gabi.

noong makaalis ako ay ang sabi ni inay ay: "AY NAKU! AY TUTULOG TULOG NAMAN SI TUTOY KAGABI! AT MAS MAHIMBING PA ANG TULOG SA AKIN" - wika ni inay sa aking kapatid :) ha-ha-ha!

dahilan nga sa pagod ako't galing sa trabaho kaya madali akong nakatulog noong sandaling iyon.

dumating na naman ang araw na ako ulit ang nakatakdang makasama n'ya sa ospital. gaya ng dati may dala akong "wanton soup" at sinubuan ko si inay ng mainit na sabaw. nagulat ako dahil napasigaw sya ng "ANG INIT!" ha-ha-ha! sobrang init pala ng soup ha-ha-ha! kaya't pinalamig namin muna ng konti at nang malamig na ay saka sya humigop ulit ng masarap na sabaw.

ng makatulog na si inay ay gumising ako at pinagmasdan ko ang kanyang mukha. dala ko noon ang aking sketch pad at lapis at iginuhit ko ang mahimbing na natutulog mahal na ina. kinabukasan, pagkagising nya at nagdatingan ang aking mga kapatid ay ipinakita ko sa kanila ang larawn ni inay.

"IYAN! SINO ANG TUTULOG TULOG!" ha-ha-ha! napatawa si inay dahil mayroon akong ibidensya na mahimbing ang tulog niya. ha-ha-ha! isa ito sa mga larawan ni inay habang s'ya ay mahimbing na natutulog sa st. joseph hospital - toronto

tandang tanda ko pa...ang nakaraan...natutulog si inay

PUMANAW SI INAY NOONG AUGUST 8, 2004 habang kumakanta kaming lahat ng "HAPPY BIRTHDAY" kasabay ang pagtulo ng aming mga luha. (kaarawan n'ya ay August 16)

Saturday, January 16, 2010

tandang tanda ko pa...ang nakaraan...isang maikling kwento ng aking buhay...




magkasama ang mag-ina sa ilalim ng puno ng malaking mangga. si ida ay nagkakayas ng walis tinting habang si tutoy naman ay tahimik na naglalaro sa likoran ng puno. pitong taong gulang pa lamang si tutoy noong panahong 'yon. tandang tanda ko pa...ang nakaraan.

sa hindi kalayuan ay maraming bata ang naliligo sa ilog at ang ilan ay mga kamaganak ni tutoy. habang abalang nagkakayas ng kayakas si ida ay hindi n'ya namamalayan na papalayo na ng papalayo si tutoy na naglalarong mag-isa hanggang sa nakarating ito sa tabing ilog. nakita n'ya kung gaano kasaya ang mga bata na naglalaro at naliligo sa ilog.

nagsisigawan, nagtatawanan, nagtatalunan ang mga bata na nasa malalim na bahagi ng ilog. bagama't bata ay sinubukan ni tutoy na maligo sa mababang bahagi ng tubig at habang naglalaro sa mababaw na umaagos na tubig ay hindi n'ya namalayan na s'ya pala ay inaagos dahan-dahan ng tubig sa malalim na bahagi na hanggang sa s'ya ay lumubog lumutang. noong una ay walang nakakita sa kanya hanggang nagsigawan ang mga bata...nalulunod!!! nalulunod!!!

mabuti na lang at nakita ng isang binatilyong pinsan ni tutoy at nakilala s'ya kaya't lakas loob itong tumalon at s'ya ay sinagip. maraming salamat kuya ang tugon niya sa binatilyong pinsan. agad nagbihis si tutoy ay nagmamadaling bumalik sa kinaroroonan ng kanyang inang walang kamalay malay sa nangyari.

saan ka galing? ang tanong ni ida. d'yan lang po sa tabi-tabi. naglaro po ang pagod na sagot ni tutoy at hindi namalayan takot at kabang dinaramdam ng bata dahil sa nangyari. gaya ng dati, taminik lang s'yang naglaro sa paligid ng ina at hindi n'ya sinabi ang nangyari dahil alam n'yang maari s'yang pagalitan kaya't nanahimik na lang ang bata.

lumipas ang ilang sandali ay nag-uwian na ang mga bata mula sa ilog at ang iba ay napagawi sa kinaroroonan ng mag-ina. habang naglalaro si tutoy ay nakita siya ng mga batang nagbubulungan..."HINDI BA'T 'YUN YUNG BATANG KAMUNTIK NG NALUNOD?" OO NGA! bulungan ng mga batang naglalakad na s'ya namang narinig ni ida. ano?!!! tutoyyy!!! kamuntik ka ng nalunod ha!!! ha!!! sigaw ni na ida sa tahimik na naglalarong bata na ang akala ay hindi malalaman ng ina ang nangyari.

ha-ha-ha!!! kawawang bata!!!

abangan ang mga susunod pang maikling kwento...
tandang tanda ko pa...ang nakaraan.

Thursday, January 14, 2010

lumabas ang kidney stone ko!!!

ika-walo ng umaga at naglakad lang ako patungo sa pagamutan na may limang daang metro mula sa bahay (sa kabilang bloke lang). hindi masyadong malamig ang simoy ng hangin at nasisimula pa lamang dumami ang mga sasakyang patungo sa kanikanilang trabaho kaya't madaling nakatawid ng kalsada patungo sa pagamutan.

tatlumpong minuto pang naghintay sa ibaba ng gusali dahil medyo napaaga ang aking pagdating para makipagkita sa dalubhasang manggagamot. dala-dala ko ang lumabas na bato mula sa aking pag-ihi (9mm x 6mm).

pagsapit ng tamang oras ay pumasok ako at nagsulat ng mga detalye tungkol sa pribado kong manggagamot (dr pasricha at dr chan) na syang nagrekomenda sa akin para makipag kita sa espesyalitang aking katagpo sa araw na ito (dr dicostanzo).

ayon sa espesyalista ay mabuti at kusang lumabas ang bato mula sa kaliwa kong "kidney". normal na nangyayari ito kapagka bumaba ang bato sa "bladder" at nakita raw niya sa CT scan na nakapusisyon ito sa ibaba ng blabber kaya't posible talagang lumabas ito ng kusa. kinumpirma nya na malinis na ang kaliwa kong kidney.

kaya nga lang ay binigyan nya ako ng babala na mayroong kasing laki ng lumabas na bato ang sa ngayon ay may 1-inch ang layo sa ibaba ng kanang kidney. sa ngayon ay hindi ko pa ito mararamdaman dahil malayo pa sa ihian. ayon sa kanya ay humigit kumulang ay bibilang pa ng taon bago ito bumaba at magdulot ng matinding sakit gaya ng aking naramdaman noon sa kaliwa kong kidney.

ang lahat ng aming napagusapan ay kanyang isinadukumento at kanyang ipapadala sa aking pribadong manggagamot. kinuha rin nya ang bato na lumabas sa akin at kanya raw itong ipapadala sa laborotoryo upang suriin ang mga namumuong kemikal. sinabi nya rin na normal lang daw ang aking kidney at ang daloy ng dugo at wala akong dapat ipag-alala. subalit kung sakaling kikirot ang kanan kong kidney ay sinabi nyang huwag akong magatubili na tumawag ng madaliang tulong o di kaya ay tumakbo na agad sa pagamutan para mabigyan ng nararapat na lunas.

malaki ang aking pagpapasalamat at ang lahat ay naging maayos at sa ngayon ay alam ko na ang mga dapat gawin kung sakaling mauulit ang nangyari noong nakaraang taon.

Tuesday, January 12, 2010

Jhun Ciolo Diamante




Jhun Ciolo Diamante, who signs his paintings "DiamanteJhun" is the man behind the http://www.philippineartists.com/, a FREE Virtual Gallery for all Filipino Artists around the world and The Official website of The Philippine Artists Group of Canada (PAG).


Early life and education
Jhun was born in San Pablo City, Laguna, Philippines on February 1967. He is the third eldest of eight children. As a child, he always amazed his classmates in drawing cartoons and animals like carabaoes, goats, pigs, popeye the sailor man, mang kepweng, voltes five, machingercy...etc.

Jhun's first exposure and discovery of the arts happened when he joined the on-the-spot drawing contest and win the first place in the elementary division. Since then he always join and win the on-the-spot drawing contest in San Pablo City. Jhun received several medals and recognition at his early age.

In 1982, Jhun won another Gold medal in one of the major competition sponsored by the Rotary Club of San Pablo City – the “on-the-spot at the park” he painted the statue of Dr. Jose Rizal at the main plaza of the city, it was participated by hundreds of city’s talented artists.

Jhun went on to study a Bachelor of Science in Architecture, where he explored his talent in arts. During his college life, he was recognized with his artistic talent in colour rendering and illustrations of buildings and designs. He received his Bachelor’s degree in Architecture in 1989.





Family
Jhun met Judy Mercado Romero in 1989 while working as graphic artist in Makati through recommendation from a close friend and officemate - Noemi. After 1 year of working in Bahrain, he eventually married her in 1991. Then the couple decided to stay in Bahrain, where their two sons were born. The eldest, Joshuanimrod, was born in 1992 and Janbonjov was born in 1993. They spent seven and half years in Bahrain and decided to migrate to Toronto, Canada in 1997 where the youngest son, Jonray was born in 2000.

The Bahrain Years
Jhun's first years as a painter in Bahrain were very exciting. He met a lot of Filipino Artists in the country. Majority of the artists in advertising agencies in downtown “Manama” were Filipinos.

They formed a Group of Filipino Artists and had several group art exhibits in the country. Their art shows were recognized by the Shaikhs and royal family members. Also during his stay in Bahrain, he joined the international arts exhibits participated by hundreds of artists from different part of the world held at the Bahrain National Museum.

During his last exhibit before he migrated to Toronto, Jhun was interviewed and featured in the Bahrain TV together with some of his fellow Filipino Artists.


Life in Canada
In 1997, Jhun brought his family to Canada where he continued to work as graphic artist with a corporate company and at the same time he was hired as a web designer by another company to create customized automotive websites.

Jhun is an extremely detail oriented individual and has a proven ability to manage large and varied workloads with minimal supervision. He possesses strong technical and analytical skills, and won the Bell Action Recognition Program of "SPEED" on November 2001. Jhun has also demonstrated first-rate communication and interpersonal skills. He deals directly with sales department and works happily and productively in a team environment.

He produced work of the highest quality for numerous high profile companies and has gained recognition as a dynamic creative designer for automotive website.




The Philippine Artists Group of Canada
At work, he met a fellow artist and founding member of the Philippine Artists Group of Canada (PAG) – Romi MananQuil. This led to his joining the group and became the first of several young talents that brought more vigour to the PAG.

Steadfastly, Jhun became an invaluable member and was elected as its secretary for two years. However, his mastery of the modern computer and creative web designing made him the group's computer guru and permanent webmaster of the internationally acclaimed website: http://www.philippineartists.com/, a FREE virtual gallery for all Filipino artists around the world. This multi-talented artist continues to awe people for his wizardry in using the computer as a digital canvas when not indulging in his outdoor painting.

At present he is working on his nude painting series with a professional canadian model (STAY TUNE!!!....MORE PAINTINGS TO COME!!!)
Also visit: http://filipinoartists.com/convergence/ HAVE FUN!!!
To learn more about Jhun, please visit his personal website http://jhun.ca/

Monday, January 11, 2010

lumabas ang kidney stone ko!!!




ngayong araw na 'to ika-11 ng enero, 11:46 ng tanghali ay umihi ako at may bigla na lang lumabas na malaking bato. nagulat ako at biglang tumalsik sa ihian na parang may nambato. kokonti lang ang lumabas na ihi pero isang malaking bato (9mm x 6mm) ang tumalsik at isang maliit (2mm x 2mm).

mabuti at kokonti naman ang lumabas na ihi sa akin kaya tuyo pa yung ihian at pinulot ko yung dalawang bato na kinuhanan ko ng larawan at inilagay ko ito sa isang lalagyan para maipakita sa aking doctor. tamang tama at magkikita kami ng aking doctor ngayon huwebes para nga tangalin sana itong malaking bato na nakita nila sa CT scan noong nakaraang disyembre 2009.

ang hindi ko lang sigurado ay kung wala na ba itong ibang kasama dahil mayroon pa rin akong nararamdaman na kumikirot-kirot sa aking kidney.