ngayong araw na 'to ika-11 ng enero, 11:46 ng tanghali ay umihi ako at may bigla na lang lumabas na malaking bato. nagulat ako at biglang tumalsik sa ihian na parang may nambato. kokonti lang ang lumabas na ihi pero isang malaking bato (9mm x 6mm) ang tumalsik at isang maliit (2mm x 2mm).
mabuti at kokonti naman ang lumabas na ihi sa akin kaya tuyo pa yung ihian at pinulot ko yung dalawang bato na kinuhanan ko ng larawan at inilagay ko ito sa isang lalagyan para maipakita sa aking doctor. tamang tama at magkikita kami ng aking doctor ngayon huwebes para nga tangalin sana itong malaking bato na nakita nila sa CT scan noong nakaraang disyembre 2009.
ang hindi ko lang sigurado ay kung wala na ba itong ibang kasama dahil mayroon pa rin akong nararamdaman na kumikirot-kirot sa aking kidney.

May kakilala rin ako na palaging may dalang SALAAN sa bawat pagkakataon na makakaramdam ng pagihi. May ibang tao na kahit na hindi masyadong kumakain ng maalat - ay aktibo ang katawan na mag produce at magdevelop ng bato sa ihi. Ito ay mahirap maiwasan. Ang palagiang pag inom ng TUBIG! ang lubos na makakatulong!
ReplyDeletePalaging isipin na ang TUBIG ay katumbas ng PAYDAY! Wag na wag pababayaan na kulang/uhaw sa tubig (PAYDAY!) Iwasan na kasing man-di-re sa tubig ng Toronto, safe ito at libre pa. Kesa naman sa mauhaw dahil lang sa walang 'bottled water' na 2 week nang nakatambak sa tindahan (maybe even 3 wks or MORE!).